Madugong selebrasyon
Nakakalungkot na ang masayang victory parade rally para sa tagumpay ng Kansas City Chiefs bilang champion ng NFL ay nabahiran ng trahedya dahil sa shooting incident na diumano ay nagsimula lang sa walang kuwentang away.
Isang babaeng DJ na avid-fan ng Chiefs ang dead on the spot, 21 ang tinamaan ng bala, 12 dito ay mga bata at marami pang nasugatan.
Tsk…tsk….tsk.
Ang Kansas City ay bahagi ng Missouri na isa sa mga US states na puwedeng magbitbit ng concealed weapon basta lisensyado. Basta 21-gulang pataas, puwedeng magka-baril. Pero tatlong kabataan ang nahuli na hinihinalang nagsimula ng barilan.
Laging may nababalitang mass shooting incidents dito. Sa eskuwelahan, sports events, simbahan at iba pang lugar bukod sa mga insidenteng nagkakabarilan dahil lang sa maliliit na dahilan. Marami ang nagsasabing dapat ipagbawal na ang pagdadala ng baril pero ang iba, pabor dito bilang proteksyon.
Kaya nga lang, may mga taong hindi responsable sa pagdadala ng baril.
At ang masama, puwedeng makabili ng baril kung saan-saan na hindi lisensyado. ‘Yan ang nakakalungkot na katotohanan.
Nag-donate nga pala si Taylor Swift at ang kanyang jowang si Travis Kelce ng KC Chiefs ng tig-$100,000 sa pamilya ng nabaril na DJ na si Lisa Lopez-Galvan na may naiwang dalawang anak na babae na kabilang sa mga batang tinamaan ng bala.
***
Napanood ko ang laban ni Bernard Angelo Torres, isang Pinoy boxer na naka-base sa Norway laban kay US boxer Bruce Carrington.
Natuwa akong makatiyempo ng laban ng isang Pinoy, kahit Norway na ang dala niyang bandila, kaya binantayan ko ang laban, kaya lang, bumagsak si Torres matapos ang malakas na right hook na sinundan ng pamatay na right uppercut ni Corrington sa 2:59 minuto ng fourth round ng kanilang 10-round card na pambungad ng O’Shaquie Foster vs Abraham Nova fight card sa New York.
Sayang kasi promising itong si Torres, tubong Tagbilaran City sa Bohol na may 18 wins bago niya nalasap ang ikalawa niyang talo matapos matupad ang pangarap niyang lumaban sa Madison Square Garden kung saan nagaganap ang mga malalaking boxing fights kabilang ang mga laban ng ating boxing hero na si Manny Pacquiao.
- Latest