^

PM Sports

Boss Emong sasalang sa Commissioner’s Cup race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsaad ng pagsali ang Boss Emong sa 2024 PHILRACOM “Commissioner’s Cup” na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa Pebrero 25.

Masisilayan muli ng mga karerista ang tikas ng Boss Emong na matagal na hindi rumarampa sa pista.

Rerendahan ni Dan Camanero, makakalaban ng da­ting Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Horse of the year awardee, Boss Emong ang Don Julio, Istulen Ola, Magtotobetsky at War Cannon.

May distansyang 1,600 meter race, nakalaan sa nasa­bing karera ang P1.8M premyo na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.

Inaasahang magbigay ng magandang laban sa Boss Emong ang Istulen Ola na sasakyan ni reigning PSA - Jockey-of-the-year awardee John Alvin Guce.

Ayon sa mga karerista, matagal na rin nilang hindi nakikita sa pista ang Boss Emong, para sa kanyang mga tagahanga ay nakakapanood sila ng magandang laban kapag tumatakbo ang kanilang paboritong kabayo.

Hahamigin ng mananalong kabayo ang P1,080,000, mapupunta sa second placer ang P405,000, ibubulsa ng third ang P225,000 habang P90,000 sa fourth.

Kukubra rin ang breeder ng nanalong kabayo ng P90,000 habang P54,000 at P36,000 ang second at third, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

PHILRACOM COMMISSIONER’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with