PHILADELPHIA - Nagpaputok si Trae Young ng 37 points para banderahan ang Atlanta Hawks sa 127-121 pagpapatumba sa Joel Embiid-less 76ers.
Nagdagdag si Onyeke Okongwu ng 21 points at tumipa si Saddiq Bey ng 16 points at 11 rebounds para pigilin ng Atlanta (23-29) ang kanilang two-game losing skid.
Humataw si Kelly Oubre Jr. ng 28 points at may 21 markers si Tobias Harris sa panig ng Philadelphia (30-21) na naipatalo ang walo sa huli nilang siyam na laro kung saan hindi naglaro si Embiid dahil sa meniscus tear.
Bukod kay Embiid, hindi rin naglaro sina All-Star guard Tyrese Maxey (illness), starting forward Nic Batum (left hamstring strain), guard De’Anthony Melton (lumbar spine stress relief) at guard Robert Covington (left knee bone bruise).
Umiskor ang Hawks ng 73 points sa first half at nagtayo ng 17-point halftime lead bago ito naputol ng 76ers sa four-point deficit sa dulo ng fourth period.
Sa Toronto, kumana si Immanuel Quickley ng 25 points habang may 21 markers si RJ Barrett sa 107-104 paglusot ng Raptors (19-33) sa Houston Rockets (23-28).
Sa Boston, nagposte si Jayson Tatum ng 35 points para igiya ang NBA-lea-ding Celtics (40-12) sa 133-129 pagtakas sa Washington Wizards (9-42).