MANILA, Philippines — Ikinakasa na ang pro fight ni Eumir Felix Marcial sa Pebrero na target ni eight-division world boxing champion Manny Pacquiao na ganapin sa Maynila.
Pinaplantsa na ng kampo ni Pacquiao ang susunod na laban ni Marcial.
“The big news was the senator wants to do a fight here in Manila, maybe in February to be sponsored by the Manny Pacquiao promotions,” ani Sean Gibbons.
Excited na si Marcial sa anumang plano para sa kanya ng MP Promotions.
“It definitely excites me to hear it from Senator himself that he wanted to arrange a fight here for me under his promotions. There are many Filipinos who like to see me fight here. I’m begging for the support of my fellow Filipinos,” ani Marcial.
Si Marcial ang kauna-unahang Pinoy boxer na nakasiguro ng tiket sa Paris Olympics matapos ang kanyang runner-up finish sa 19th Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China.
Kaya naman sesentro na ang atensiyon ni Marcial sa paghahanda para sa Paris Games kung saan puntirya nitong rumesbak.
Matatandaang nagkasya lamang sa tansong medalya si Marcial noong 2020 Tokyo Olympics sa Japan matapos matalo sa semifinal round.
Bilang paghahanda sa Paris Games, plano ni Pacquiao na masigurong preparado si Marcial bago sumabak sa laban.
Personal na inimbitahan ni Pacquiao si Marcial sa kanyang tahanan sa Forbes Park sa Makati City.