Ngayong araw dito sa Amerika, ipinagdiriwang ang Veterans day (kahapon Manila time) kung saan kinikilala ang mga war veterans ng U.S.A.
Importanteng araw ito para sa mga Amerikano lalo na sa mga may kapamilyang war veterans.
Maraming kaganapan tuwing Veterans day, kaya nga lang dito sa Texas, masama ang panahon dahil sa cold front kaya iniurong lahat ng mga activities hanggang sa gumanda ang panahon.
Nakakatuwa kasing binibigyan ng libreng pagkain ang mga war veterans sa mga restaurant, full meal… libre. At ang bati ng lahat sa mga veterans, “Thank You for your service.”
Kahit ang NBA may Stars and Stripes Military appreciation Night na hosted ng Philadelphia 76ers. Maging ang NFL, ang iba’t ibang ongoing sports events ay nagbibigay pugay sa mga veterans.
Dahil ang NBA ay nabuo pagkatapos ng World War II, walang masyadong NBA players na pumasok sa military at siyempre, ‘yung iba, masyadong malaki/matangkad para sumabak sa giyera (kita agad ng kalaban).
Ang pinakakilalang NBA player na pumasok sa military ay si David Robinson AKA The Admiral na kinuha sa draft ng San Antonio Spurs matapos mag-serve sa Navy. Siya ay 10-time NBA all Star, 1995 NBA MVP at two-time NBA champion.