Gandler bumandera sa panalo ng Cignal HD

Vanie Gandler of Cignal
PVL Media Bureau

MANILA, Philippines — Binanderahan ni Vanie Gandler ang Cignal HD sa 25-15, 25-23, 18-25, 25-19 pagligpit sa Petro Gazz sa Pre­mier Volleyball League Second All-Filipino Confe­rence kahapon sa Philsports Are­na sa Pasig City.

Bumanat si Gandler ng ca­reer-high 23 points mula sa 19 attacks, 3 blocks at 1 ace para igiya ang HD Spi­kers sa ikaapat na sunod na arangkada at ilista ang 5-2 kartada.

Nag-ambag si Ces Molina ng 17 points built buhat sa 15 attacks, habang tumipa si Jovelyn Gonzaga ng 7 points at 19 excellent digs.

“Ine-expect naman talaga na­min bago pa ang laban na ito, knowing Petro Gazz na pu­ro solid na senior pla­yers so talagang alam namin kung paano sila mag-handle ng pressure,” sabi ni coach Shaq delos Santos.

Bumulusok ang Gazz Angels sa ikatlong sunod na ka­malasan matapos iposte ang 4-0 record.

Samantala, winalis ng Cho­co Mucho ang Akari, 25-23, 25-21, 25-19.

Show comments