Sisinghap-singhap

Matumal ang dating ng medalya sa Team Philippines at nagbabadya ang pagsadsad galing sa four-gold showing sa 2018 Asian Games.

Papasok sa Week 2 ng Hangzhou Games, nakaatang sa mga balikat nina EJ Obiena, Gilas Pilipinas, mga boxers, weightlifters at karatekas ang pagsagip sa sisinghap-singhap na lagay ng pambansang delegasyon.

Mukhang si Obiena ang pinakamalakas na pang laban.

Mahaba pa at matinik ang lakbayin ni coach Tim Cone at ng kanyang tropa.

Samantala, susubukan nina Eumir Marcial, Nesthy Petecio at John Marvin na isulong ang kanilang kampanya sa boxing hall ngayong araw na ito.

At nariyan pa rin naman si Carlo Paalam.

Tangka nina Marcial at Petecio na umabante sa quarterfinals, samantalang nakatutok ang paningin ni Marvin sa semifinals.

Suking Vietnamese, si Nguyen Manh Cuong, ang kalaban ni Marcial, samantalang haharapin ni Petecio si Taiwanese Lin Yu Ting sa rematch ng kanilang paghaharap sa Tokyo Olympics.

Wagi si Petecio noon, pero dumaan sa butas ng karayom sa pagbunot ng 3-2 decision.

Dumadaan din sa butas ng karayom ang buong Phl team sa Hangzhou Games.

Sana eh, makalusot at magawang maabot pantayan, kung hindi lagpasan, ang four-gold haul noong 2018.

Siya nawa!

Show comments