MANILA, Philippines — Ipagpapatuloy ni national coach Steve Kerr kasama sina Fil-Am Erik Spoelstra at Tyronn Lue ang kanilang paggabay sa Team USA sa 2024 Paris Olympic Games.
Inaasahang isang ‘super team’ ang maglalaro sa naturang quadrennial event na pinaghaharia ng mga Americans sa nakalipas na apat na sunod na edisyon nito.
Sa paglalaro ng Team USA sa Olympics ng 19 beses ay mayroon din silang 19 medalya, ang huling apat ay ginto.
“We’ve really studied everything about FIBA and the history of United States basketball,” ani Kerr. “When we’ve won, what has been the reason. When we’ve lost, what has been the reason. We study all that stuff.”