^

PM Sports

Filipinas marami pang ilalabas

Pang-masa

WELLINGTON — Kumpara sa ibang koponan, ito pa lamang ang kauna-unahang paglalaro ng Philippine national women’s team sa FIFA Women’s World Cup.

At sa kanilang ikalawang laro pa lamang ay nakapagtala na ang World No. 46 Filipinas ng panalo laban sa World No. 26 at co-host na New Zealand kamakalawa.

“While watching Colombia and (South) Korea before our game, the commentator said they have one win each. Korea has been at least in five or six World Cups and Colombia three or four,” sabi ni Filipinas coach Alen Stajcic.

“To think that we have done it in our second match in our first World Cup. You can’t really appreciate how far we’ve come back in the pack compared to where those countries where in terms of their football history, their culture and investment,” paliwanag ng Australian tactician.

May 1-1 record ngayon ang Filipinas sa Group C matapos ang panalo sa New Zealand at 0-2 kabiguan sa World No. 20 Switzerland noong Biyernes.

“It’s for the entire country. It’s for the entire team. It can’t just be for yourself. It’s for everybody. Every single person, we helped fight for this,” ani goalkeeper Olivia McDaniel.

Ang panalo sa Football Ferns ang nagbigay sa mga Pinay booters ng tatlong puntos sa ilalim ng apat na puntos ng mga Swiss.

Bagama’t kapwa may parehong 1-1 baraha ay okupado ng New Zealand ang second spot dahil sa superior goal difference sa Filipinas matapos ang 1-0 panalo sa World No. 12 Norway noong nakaraang Huwebes.

Nakatakdang labanan ng Filipinas ang Norway sa Linggo sa kanilang hu­ling laro sa group stage at makakatapat ng New Zealand ang Switzerland.

Kailangang talunin ng mga Pinay ang mga Norwegians para makapasok sa knockout stage.

Ang kabiguan ang posibleng magpatalsik sa Filipinas sa torneo.

FIFA WOMEN’S WORLD CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with