^

PM Sports

Memory sports sa Pinas makikilala sa pagdaraos ng 2024 World Memory Championship

Pang-masa

MANILA, Philippines — Naniniwala si Roberto Racasa na mas makikilala ang memory sports sa sa Pilipinas sa pagdaraos ng 2024 World Memory Championship.

Ipinagkaloob ng World Memory Sports Council (WMSC) ang hosting ng event sa bansa matapos ma­wala ng tatlong taon da­hil sa pandemya.

“Malaking tulong po itong hosting natin para mas mapakilala ang me­mory sports at ma-appre­ciate ng ating mga kaba­bayan ang mabuting mai­du­dulot nito hindi lamang sa mga bata bagkus sa lahat na nagnanais na mapaunlad ang memorya na magagamit hindi lamang sa career kundi pati sa pang-araw-araw na pamu­mu­hay,” ani Racasa, ang ti­naguriang ‘Father of Phi­lippine Memory Games’, sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ no­ong Huwebes sa PSC Conference Room.

Si Racasa ang kauna-unahan Pinoy na nakala­hok sa naturang torneo no­ong 1998.

Nagpahayag ng supor­ta si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Jr. para sa torneo.

“Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na kami kay Secretray Abalos na ever since eh, siyang tu­m­u­tulong sa Philippine me­mory sports team,” wika ni Racasa.

“May mga kausap na rin kaming pribadong grupo para maisagawa na­tin ang bibihirang pagka­kataon na ito,” dagdag ni Racasa sa programang iti­­nataguyod ng Philippine Sports Commission, Beh­rouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Kumpiyansa naman si Women International Master WIM) Antonelle Ra­ca­sa sa kakayahan ng mga Pinoy.

“Malaki ang tsansa ng mga Pinoy sa memory sports,” ani Racasa.

Ang memory sports ay binubuo ng 10 events.

WORLD MEMORY CHAMPIONSHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with