^

PM Sports

Filipinas sisipa na

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Nagsimula na kahapon ang FIFA Women’s World Cup na nakahilera ang Team Philippines sa kaunahang pagkakataon kasama ang mga higanteng ko­ponan na magrarambulan para sa prestihiyosong korona.

Ngayong hapon kontra Switzerland unang sisi­pa ang Filipinas sa group play sa Auckland, New Zealand.

At umaasa sina coach Allen Stajcic at ang kanyang koponan na masustina ang kanilang breakthrough run at patuloy na maipakilala sa Pinas ang larong football.

“It’s not the most popular sport (in the Philippines),” ani defender Hali Long sa panayam ng AFP.

“It’s not the beauty pageants, boxing and basketball. We don’t have a ‘B’,” dagdag pa ni Long.

Pero dahil sa kanilang qualification sa World Cup at kasunod ang paghugot ng korona sa Asean Championship sa harap ng malaking crowd sa Rizal Memorial Stadium, humatak na actually ng following sina Long at mga teammates na tinatawag na “Filipinas.”

Sigurado naman talagang lalawak pa ang pagkakakilala sa kanila at sa larong football — o soccer — kung makakapagpakita ng maganda sa World Cup.

Iyon nga lamang, mabigat ang pagdadaanan para makalagpas sa unang round.

Nakaharang sa kanilang daan ang Switzerland, host New Zealand at Norway.

FIFA WOMEN’S WORLD CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with