Dwight masaya sa Europe training

MANILA, Philippines — Hindi biro ang pinagdaraanang training ng Gilas Pilipinas sa Europe na bahagi ng paghahanda nito para sa 2023 FIBA World Cup sa Agosto.

Para kay Dwight Ramos, malaking tulong ang training camp para mas maging solido ang galaw ng Gilas Pilipinas.

Aminado si Ramos na iba ang estilo ng Europeans sa paglalaro.

At magandang pagkakataon ito para mas lalo pang mahubog ang galaw ng Pinoy cagers.

Yumuko ang Gilas Pilipinas sa Estonia at Finland noong nakaraang Linggo.

Sublit unti-unting nagagamay ng Pinoy squad ang estilo ng mga Europeans kaya’t naipanalo nito ang dalawang tuneup games kontra sa Ukraine.

Sinabi ni Ramos na magkaiba ang laro ng European players sa Americans at Asian teams.

“Everything happens so fast playing against Europeans. It really tests your mind and you need to make sure you know what you’re doing,” ani Ramos.

Magandang pagsubok ang mga tuneup games para mabago ang mga pagkakamali ng tropa.

Unti-unti nang nabubuo ang chemistry ng Gilas Pi­lipinas na isa sa magandang resulta ng Europe training.

Subalit malayo pa ito sa perpektong kundisyon.

 Unang makakaharap ng Gilas ang Dominican Republic sa opening day ng 2023 FIBA World Cup na gaganapin sa Agosto 25 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Show comments