Open Billing rarampa sa 3YO Locally Bred stakes race

MANILA, Philippines — Nakatakdang rumampa sa pista ang Open Bil­ling matapos magsaad ng paglahok ang kanyang connections sa 2023 PHILRACOM ‘3-Year-Old Locally Bred Stakes Race’ na ilalarga sa Metro Turf - Malvar sa Tanauan City, Batangas sa July 15.

Gagabayan ni former Philippine Sportswri­ters Association, (PSA) - J­ockey of the Year awar­dee Patty Ramos Dilema ang Open Billing na makakatagisan ng bilis ang anim pang tigasing kabayo.

Nakalaan ang P1M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang naghayag ng paglahok ay ang Cash On Hand, D­a­nueis Son, I Under Oath,  Light Bearer, Orange Bell at Sky Story.

Hahamigin ng mananalong kabayo ang P600,000, ibubulsa ng second placer ang P225,000 habang tig- P125,000 at P50,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.

Mag-uuwi rin ang breeder ng winning horse ng P50,000 sa event na suportado ng Philippine Ra­cing Commission, (PHILRACOM), mapupunta sa second ang P30,000 at P20,000 naman sa third.

Maliban sa nabanggit na stakes race, pakakawalan din sa nabanggit na petsa ang bakbakan sa Hopeful Stakes Race.

Show comments