Robin Hood, Magtotobetsky kakasahan ang Boss Emong

MANILA, Philippines — Palaban ang connections ng magkakamping Robin Hood at Magtotobetsky, kakasahan nila ang husay ng Boss Emong sa  paglarga ng 2023 PHILRACOM “Gran Copa De Manila Cup” na pakakawalan sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, bukas ng hapon.

Paniguradong makakakuha ng maraming suporta sa karerista ang reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA - Horse of the Year awardee na Boss Emong pero tiyak na mapapalaban ito sa coupled entry na Robin Hood at Magtotobetsky.

Gagabayan ni veteran jockey Jeffrey Bacaycay ang Magtotobetsky habang si Jomer Estorque ang sasakay sa Robin Hood sa distansyang 1,600 meter race.

Bukod sa Boss Emong, ang ibang makakatagisan ng bilis ng Robin Hood at Magtotobetsky ay ang Don Julio, Gomezian,  Jungkook at Life Gets Better.

Nakalaan ang P1M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kaba­yong tatawid sa meta kung saan ibubulsa ng mananalo ang P600,000 premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

 

Show comments