^

PM Sports

Karerista atat na mapanood ang Boss Emong

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Atat na ang mga karerista na mapanood muli sa pista ang Boss Emong.

Nakatakdang sumalang ang reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA - Horse of the Year awardee, Boss Emong sa magaganap na 2023 PHILRACOM “Gran Copa De Manila Cup” na pakakawalan sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa darating na Sabado.

Kampeon sa mga malalaking tournament, makakatagisan ng bilis ng Boss Emong ang anim na tigasing kabayo na nagsaad ng pagsali sa distansyang 1,600 meter race.

Nakalaan ang P1M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang naghayag ng paglahok ay ang Don Julio, Gomezian, Jungkook, Life Gets Better, Robin Hood at Magtotobetsky.

Rerendahan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate ang Boss Emong, target nilang masilo ang premyong P600,000 habang mapupunta sa second placer ang P225,000.

Tiyak na pinag-aaralan na rin ng mga karerista ang mga tatayaang kabayo lalo na ang mga dehadista na pipili ng kabayong kalaban ng Boss Emong.

vuukle comment

KARERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with