Solid showing sa Hangzhou?
Apat na buwan lang pagkatapos ng 32nd Southeast Asian Games, muling papalaot sa bakbakan ang Team Philippines sa Asian Games sa Hangzhou, China simula Sept. 23.
Nagkasabay sa loob ng isang taon ang SEA Games at Asiad dahil sa pandemya na naging sanhi ng postponement ng Hangzhou Asian Games na orig na naka-sked noong nakaraang taon.
Exciting ang 2023 Asiad sa tema kung aabutin o lalagpasan ng Team Phl ang kanilang four-gold showing sa Indonesia noong 2018.
Double-gold winner si golfer Yuka Saso at nag-ambag ng tag-isa sina weightlifter Hidilyn Diaz at skateboarder Margielyn Didal noong huling Asiad. Iyon ang pinakamatibay na ipinakita ng Pilipinas sa Asian Games simula nang huling humakot ng kaparehong bilang ng ginto noong 2006 sa Doha, Qatar.
Maaaring mas matibay ang ipakita ng koponan sa Hangzhou kung sasalang sa laban ang lahat ng mga pambato sa pamumuno nina Caloy Yulo, EJ Obiena, Hidilyn Diaz.
Ang siste eh, mukhang may mga Olympic qualifying events na kabangga ng Asiad sked.
Kasama ring sasalang sa laban ang Gilas Pilipinas na manggagaling sa FIBA World Cup ng mga panahon na iyan.
At nariyan pa ang mga boxers sa pamumuno nina Tokyo Olympic silver medalists Carlo Paalam at Nesthy Petecio.
Kaya’t talagang exciting ang Hangzhou Games para sa mga Pinoy.
Ang silip ko eh, panibagong sporting breakthrough para sa bansa.
- Latest