Landslide sinisiw ang Ambisioso

MANILA, Philippines — Nagpakitang gilas ang Landslide matapos sikwatin ang panalo sa Philracom Rating Based Handicapping System na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City sa Batangas noong Linggo.

Hindi pinalayo ng Landslide ang matulin sa largahan na Ambisioso, tinutukan lang nito hanggang far turn bago nagtangkang kumapit para agawin ang unahan.

Pagdating ng hu­ling kur­bada ay nagkapana­bayan na ang Ambisioso na nasa gitna, Tugatog na dumaan sa tabing balya at Landslide na nasa bandang labas.

Makapigil hiningang laban ang nasilayan ng mga karerista dahil nag­wa­gi ang Landslide ng may leeg lang ang pagitan sa pumangalawang Am­bisioso.

Nirendahan ni Jomer Estorque, inirehistro ng Landslide ang tiyempong 1:24.6 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Leonardo Ja­vier Jr. ang P10,000 added prize.

Tersero ang Euroclydon, habang pumang-apat ang Electrify sa event na suportado ng Philippine Ra­cing Commission (Phil­racom).

Show comments