Orange Bell, Sky Story kikilatisin sa 3YO Locally Bred

MANILA, Philippines — Lalahok ang Orange Bell at Sky Story sa 2023 PHILRACOM “3-Year-Old Locally Bred Stakes race” na pakakawalan sa darating na Sabado sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.

Makakatagisan ng bilis ng Orange Bell at Sky Story ang 10 pang tiga­sing kabayo na naghayag ng pagsali sa distansyang 1,600 meter race.

Nakalaan ang P1M garantisadong premyo na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line, ang ibang kasali ay ang Cash On Hand, Domsat Seven, Easy Way, Glamour Girle, I Under Oath, Keep The Trick, Light Bearer, Melania, Mill Run, Prime Billing at Secretary.

Sasakyan ni former Philippine Sportswri­ters Association, (PSA), J­ockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez ang Orange Bell habang si Conrad Henson ang re­renda sa Sky Story.

Mag-uuwi ang ma­na­­nalong kabayo ng P600,000 premyo, mapupunta ang P200,000 sa panga­lawa habang P100,000 ang kukubrahin ng tersero.

Show comments