CHICAGO — Humataw si DeMar DeRozan ng 24 points para sa balanseng produksyon ng Bulls patungo sa 113-99 pagpapalamig sa Miami Heat.
Kumonekta si Coby White ng apat na three-pointers at tumapos na may 18 points para sa Chicago (33-37) habang may 18 at 17 markers sina Zach LaVine at Patrick Beverley, ayon sa pagkakasunod.
Umiskor si Jimmy Butler ng 24 points kasunod ang 23 markers ni Bam Adebayo sa panig ng Miami (38-34).
Ang three-point play ni Nikola Vucevic ang nagbigay sa Bulls ng 27-point lead, sa pagsisimula ng fourth quarter bago nakalapit ang Heat sa 90-93 sa siyam na minuto nito.
Sa Memphis, naglista si Jaren Jackson Jr. ng 31 points at 4 blocks para sa 133-119 pagpulutan ng Memphis Grizzlies (43-27) sa nagdedepensang Golden State Warriors (36-36).
Sa Salt Lake City, kumamada si Lauri Markkanen ng 28 points at sinupalpal ni Walker Kessler ang layup ni Grant Williams sa 118-117 pagtakas ng Utah Jazz (34-36) sa Boston Celtics (49-23).
Sa Indianapolis, nagposte sina Joel Embiid at Tyrese Maxey ng tig-31 points sa 141-121 demolisyon ng Philadelphia 76ers (48-22) sa Indiana Pacers (32-39).