Eala ipinasa ang PSC chairmanship kay Bachmann

MANILA, Philippines — Pormal nang ipinasa kahapon ni dating Philippine Sports Commission (PSC) chief Noli Eala ang chairmanship kay Richard Bachmann sa isang simpleng turnover ceremony sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

Apat na buwan lamang nanungkulan ang dating PBA Commissioner na si Eala sa sports agency bago palitan ni Bachmann.

Ang nakaraang 2022 Batang Pinoy National Championships sa Vigan, Ilocos Sur noong Dis­yembre ang una at hu­ling grassroots program na pinamunuan ni Eala.

“I would like to thank and honor former Chairman Noli Eala for his service and dedication to support our National Sports Associations and national athletes,” ani Bachmann.

“I look forward to learning more about the programs that are in the pipeline, as well as those that are already being implemented,” dagdag pa ng dating PBA Board member.

Solidong suporta naman ang ipinangako ni Eala para sa liderato ni Bachmann sa PSC.

Si Bachmann ang ma­ngunguna sa pagdaraos ng PSC sa ika-33 anibersaryo sa Enero 24.

Itinatag ang National Sports Agency sa pamamagitan ng Republic Act 6847 noong 1990 bilang kapalit ng Project Gintong Alay.

 

Show comments