^

PM Sports

Chargers hinugot si Santiago-Manabat

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakahanap na ng bagong team si Dindin Santiago-Manabat sa 2023 season ng Premier Volleyball League (PVL).

Ito ay matapos kumpirmahin ng Akari Chargers ang pagpasok sa kanilang tropa ni Santiago-Manabat matapos nitong lisanin ang Chery Tiggo.

Pormal nang inanunsiyo ng Chargers ang pagpasok ni Santiago-Manabat upang tulungan ang kanilang tropa sa kampanya nito sa PVL na nakatakdang magsimula sa Pebrero.

Alam ng pamunuan ng Chargers na malalim ang karanasan ni Santiago-Manabat dahil bahagi ito ng Crossovers na nagkampeon sa Open Conference noong 2021.

Ilang beses din itong nagkampeon sa Philippine Superliga kasama ang Petron Blaze Spikers.

Kaya naman umaasa ang Chargers na madadala nito ang kanyang championship experience sa kanilang koponan.

“Leadership. Intensity. And top notch skills. All of these we can expect from the newest member of the Akari fam! Let’s welcome Dindin Santiago-Manabat into the fold! LET’S GO!” ayon sa post ng Chargers sa social media.

Huling naglaro si Santiago-Ma­nabat sa Crossovers noong PVL Reinforced Confe­rence kung saan nagtapos ang Chery Tiggo sa ikaapat na puwesto.

Sa Reinforced Confe­rence, bibihirang nagagamit si Santiago-Manabat.

Nasilayan na sa aksyon si Santiago-Manabat sa ilang teams sa Japan V.League.

Naglaro rin si Santiago-Manabat para sa Nakhon Ratchasima Women’s Volleyball Club sa Thailand Volleyball League noong nakaraang taon.

Kasama nito sa natu­rang team si opposite hitter Mylene Paat na itinanghal na Best Scorer.

Samantala, hinugot naman ng Petro Gazz si middle blocker Des Clemente na isa sa anim na players na nawala sa lineup ng F2 Logistics.

 

DINDIN SANTIAGO-MANABAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with