UST itataya ang rekord kontra Lyceum

MANILA, Philippines — Sasakmalin ng University of Santo Tomas ang ikaapat na sunod na panalo laban sa Lyceum of the Philippines University sa pagpapatuloy ng Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship ngayong araw sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.

Ilalabas ng Tigresses ang lahat ng pangil nito para masawata ang Lady Pirates sa alas-5:30 ng hapon.

Maghaharap din ang University of the Philippines at Mapua University sa alas-10 ng umaga kasunod ang bakbakan ng NCAA champion College of Saint Benilde at Colegio de San Juan de Letran sa alas-12:30 ng tanghali, at ang laban ng Emilio Aguinaldo College at Adamson University sa alas-3 ng hapon.

Wala pang bahid ang baraha ng UST tangan ang 3-0 marka sa Pool B.

Ayaw na ni Tigresses head coach Kungfu Reyes na maging kumplikado pa ang pag-entra nito sa se­cond round kaya’t ibubuhos na ng kanyang bataan ang buong puwersa nito.

“We just need to be more consistent. We need to finish on a high note, that’s what we want,” ani Reyes.

Show comments