^

PM Sports

Arellano sinapawan ang Letran

Chris Co - Pang-masa
Arellano sinapawan ang Letran
Muntik matapakan ni Jade Talampas ng Arellano Chiefs ang isang Letran Knights player sa aksyon sa NCAA Season 98 kahapon.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Naglabas ng malakas na puwersa ang Arellano University sa fourth quarter upang sorpresahin ang nagdedepensang Letran, 72-69, sa NCAA Season 98 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ito ang ikatlong panalo ng Chiefs sa apat na laro para sumulong sa ikalawang puwesto.

Kumayod nang husto si Cade Flores na nagsu­mite ng 18 points at 9 re­bounds, habang naglista si Axel Doromal ng 14 mar­kers at 5 rebounds para sa Chiefs.

“Ayun ang sinasabi ko sa mga player eh, napa­ka­sarap maglaro kapag kalaban mo ang defen­ding champion,” ani coach Cholo Martin. “Iyong malalakas na teams, doon la­labas ang mga laro ninyo.”

Tumipa si Wilmar Oftana ng 13 points at 5 boards at gumawa pa si Jo­shua Abastillas ng 10 mar­kers.

Naiwanan ang Chiefs sa third quarter, 42-55.

Ngunit nagpasabog ito ng matkas na 27-5 run sa likod nina Flores, Abastillas at Shane Menina para makuha ang 69-60 kalamangan sa huling 2:32 ng fourth quarter.

Lumasap ang Knights ng unang kabiguan para mahulog sa 1-1 marka.

Naputol din ang 14-game winning streak ng Letran na nagsimula noong nakaraang season.

Nawalan ng saysay ang double-double na 19 points at 16 rebounds ni Louie Sangalang gayundin ang pinagsikapan ni King Caralipio na sarling doube-double na 16 points at 13 boards.

ARELLANO UNIVERSITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with