MANILA, Philippines — Hanggang kahapon ay tanging si Officer-in-Charge (OIC) Bong Coo pa lamang ang naitatalaga bilang Commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC).
Kaya naman hiniling niya ang suporta at kooperasyon ng mga National Sports Associations (NSAs) habang wala pang mga opisyales na nailuluklok si Pangulong Bongbong Marcos Jr.
“Hinihiling ko lang sa different NSAs, konting pasensya. Have patience so we can address your needs,” wika ng dating national bowler at Hall of Famer. “Soon, we will have a Board.”
Wala pang napipili si Marcos na ipapalit kay William ‘Butch’ Ramirez bilang chairman ng sports agency matapos ang termino ng ng nakaraang PSC Board noong Hunyo 30.
Ayon sa 74-anyos na three-time world boxing champion, dapat ituloy ng mga national athletes ang kanilang training bilang paghahanda sa mga lalahukang international events kagaya ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo ng 2023.
“Sa mga atleta, tuloy lang ang training kasi marami tayong events at tournaments na sasalihan next year,” sabi ni Coo.
“At sa mga Filipino people, tuluy-tuloy lang po na ipagdasal natin ang mga atleta natin. Let’s work together, because together we can achieve anything,” dagdag ng PSC Commissioner.