Apex-SSC, Adalem-St. Clare buhay pa

MANILA, Philippines — Iniskor ni Ichie Altamirano ang walo sa kanyang 13 points sa fourth period para igiya ang Apex Fuel-San Sebastian sa 82-74 pagganti sa Marinerong Pilipino sa Game Two ng kanilang 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Itinabla ng Golden Stags sa 1-1 ang kanilang best-of-three duel ng Skippers para maitakda ang ‘winner-take-all’ Game Three sa Miyerkules.

“The effort, palaging nasa kanila,” ani  Apex Fuel-SSC Egay Macaraya sa kanyang tropa na bumalikwas mula sa 68-71 agwat para agawin ang 78-71 abante sa huling 2:07 minuto ng final canto. “When you work hard, good things will happen.”

Pumuwersa rin ng Game Three ang Adalem Construction-St. Clare matapos gibain ang EcoOil-La Salle, 72-64, tampok ang 11 points ni Johnsherick Estrada sa fourth quarter.

Tumapos si Estrada na may 22 markers habang may 21 points si Joshua Fontanilla para sa pagresbak ng Saints sa Grenn Archers.

Show comments