^

PM Sports

Abarrientos lalaro sa KBL

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuluyan nang lilisanin ni RJ Abarrientos ang Far Eastern University upang maglaro sa professional level sa Korean Basketball League (KBL).

Ayon sa ulat ng Jumpball, kinuha ng Ulsan Hyundai Mobis Phoebus ang serbisyo ng mahusay na player.

Dalawang taon ang magiging kontrata ni Abarrientos para sa Ulsan.

Kasama si Abar­rientos ng Gilas Pilipinas na nag­laro sa dalawang friendly games laban sa South Korea.

Sa naturang tuneup games, nagtala si Abarrientos ng averages na 12.5 points, 2.0 rebounds at 2.0 assists.

Kaya naman napukaw nito ang atensiyon ng Korean basketball club.

Si Abarrientos ang ika­lawang Pinoy na mag­lalaro sa KBL.

Una nang pumirma ng kontrata si SJ Belangel ng Ateneo de Manila University.

Maglalaro si Belangel sa Daegu Kogas.

May apat na playing years pa sana si Abar­rientos sa UAAP.

Sa kanyang rookie year noong UAAP Season 84 men’s basketball tournament, naglista si Abarrientos ng averages na 13.8 points, 4.4 rebounds, 2.5 assists at 1.3 steal.

vuukle comment

RJ ABARRIENTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with