MANILA, Philippines — Dinomina ng mga panabong ni Ka Rex Cayanong ang King Arthur 6-cock derby na binitawan sa ruweda ng RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna noong Huwebes.
Gamit ang entry name na Sabong On Air, nakapagtala ito ng apat na panalo at dalawang tabla para sa kabuuang limang puntos sapat para maging solo champion si Cayanong na isang veteran journalist at columnist.
Tinalo ng mga manok ni Cayanong ang Villa Elena 789 Super Reyna, Tiger Shark ni Celso Salazar at SMC ni Tady Palma.
Tabla naman ang Sabong On Air sa mga entries na Gen X Fighter at JJA - DVH sa pa-derby ni Art Atayde.
Apat na kampeonato na ang nakuha ni Cayanong ngayong taon na nagsimula noong Marso 21, 2022, solo champion ang Sabong On Air sa WPC Battle of the Big Boys na ginanap sa Manila Arena sa Sta. Ana.
Nakipagsanib-puwersa si Cayanong kay Richard Perez para maghari ang RIPER/Sabong On Air sa JP Dragon 6- cock derby na binitawan sa New Antipolo Coliseum noong Mayo 15.
Nagwagi ulit ang combined entry nina Cayanong at Perez na RIPER/Sabong On Air sa Hagibiz 4-cock Derby sa Laguna na RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit.