Altas, Cardinals asam ang panalo

MANILA, Philippines — Kapwa pupuntiryahin ng Perpetual Altas at ng Mapua Cardinals ang maitayo ang 2-0 record sa pagsagupa sa magkahiwalay na kalaban sa 97th NCAA men’s basketball tournament sa La Salle Greenhills Gym.

Lalabanan ng Altas ang San Sebastian Stags ngayong alas-12 ng tanghali kasunod ang pakikipagtuos ng Cardinals sa Jose Rizal Heavy Bom­bers sa alas-3 ng hapon.

Magkasosyo sa lide­rato ang nagdedepensang Letran Knights at San Beda Red Lions sa magkapareho nilang 2-0 baraha kasunod ang Perpetual at Mapua na may magkawangis na 1-0 marka.

Umiskor ang Altas ni coach Myk Saguiguit ng 77-56 panalo sa Heavy Bombers sa pangunguna nina veterans Kim Aurin at Jielo Razon.

“Ang tingin ko tala­gang magiging consistent iyan dahil they are very ready for this Season 97,” sabi ni Saguiguit sa kanyang koponan.

Determinado naman ang Stags na makaba­ngon mula sa 63-65 pagkatalo sa Arellano Chiefs.

Show comments