EJ kumpiyansang makakatalon sa Vietnam SEA Games

MANILA, Philippines — Naniniwala si Tokyo Olympian pole vaulter Ernest John Obiena na makakasama siya sa Team Phi­lippines na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Ito ay sa kabila ng pahayag ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Phi­lip Ella Juico na hindi siya kasama sa national team na ilalahok sa Vietnam SEA Games sa Mayo 12-23.

“Positively, I’m believing in it and I’m pushing for it,” ani Obiena kahapon sa ‘Power and Play’ program ni Noli Eala. “I think the closest competition that I’m actually gonna have is the World Championship and the World Indoor Championship in less than a month.”

Ang usapin ukol sa liquidation ni Obiena ang ugat ng kanilang sigalot ni Juico kung saan nagsumite umano ang Tokyo Olympian ng dinoktor ng dokumento para sa coaching fee ni Ukranian trainer Vitaly Petrov.

Plano naman ng Philippine Olympic Committee (POC) na iendorso si Obiena para makalaro sa Vietnam SEA Games sakaling hindi siya isama ng PATAFA sa delegasyon.  

 

Show comments