Castro, Cruz absent sa Gilas practice

Nag-pose ang Gilas Pilipinas team kasama si head coach Chot Reyes.
Photo@Jeanmarc15 Instagram

MANILA, Philippines — Hindi pa nasisilayan sina Jayson Castro at Carl Bryan Cruz sa trai­ning camp ng Gilas Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum para sa FIBA World Cup Qualifiers na idaraos sa Pebrero 24 hanggang 28.

Wala ang dalawang mahusay na players sa grupo ng mga Talk ’N Text Tropang Giga pla­yers na dumating sa Big Dome para mag-ensayo.

Tanging sina Poy Erram, Kelly Williams, Kib Montalbo, Gab Ba­nal, Troy Rosario at Ro­ger Pogoy ang sumipot kasama si Robert Bolick ng NorthPort.

Wala pang linaw kung tuluyan nang hindi makalalahok sina Castro at Cruz sa qualifiers o nakatakda itong dumating sa mga susunod na araw ng ensayo ng tropa.

Gayunpaman, tuloy ang ensayo ng Gilas Pilipinas na nagkukumahog na sa training lalo pa’t ilang araw pa lamang itong nagsasanay nang magkakasama.

Binabantayan ni Gilas Pilipinas assistant coach Marc Pingris ang ilang bagitong players ng pool.

Kabilang sa tinututukan ni Pingris si naturalized player Angelo Kouame na magiging katuwang nina Erram at Rosario sa rotation.

Show comments