Alaska: matayog ang integridad

Taas-noong iiwan ng Alaska Milk ang PBA sa pagtatapos ng Governors’ Cup. Kasama sa rason ang dami ng kampeonato na hinakot ng Alaska Aces.

Pero higit pa diyan, matayog ang tindig ng Alaska ball club sa paglisan dahil iiwan nila ang marka ng integridad na hindi mapupulaan – “winning with integrity” na laging bukang-bibig ni team owner Wilfred Uytengsu.

Dahil hindi lang sariling kapakanan ang iniisip, walang pagod na inilaban ni Uytengsu ang “fair play” sa loob ng liga.

At hanggang sa huli, pinahalagahan ni Uytengsu ang mga values na kanyang pinaniniwalaan.

Kasama dito ang hindi paglako sa ibang kopo­nan ng kanilang mga key players.

Sa halip, idiniin na susubukan nilang manalo ng kampeonato for one last time.

“The team is in shock but we will remain focused with the task at hand. That’s to work hard and strive for our 15th championship. Our goal has not changed,” ani coach Jeff Cariaso, key member ng Alaska Grand Slam team noong 1996.

Nasa gitna ng team standings ang Alaska Aces sa simula ng kanilang farewell tour.

Pero makamit man o hindi ang target, siguradong papalakpakan at sasaluduhan ang Alaska Aces sa matayog na klase na kanilang ipinakita sa 35-year PBA stint.

Show comments