Malditas nag-courtesy call kay Ramirez

Si PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez at ang Malditas.

MANILA, Philippines — Sumama ang national women’s football team sa kauna-unahang physical f­lag-raising ceremony ng Philippine Sports Commission (PSC) kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila City.

Dumalo sa seremonya si Philippine Football Federation (PFF) president Mariano “Nonong” Araneta Jr. at ang mga miyembro ng ‘Malditas’ para sa kanilang courtesy call kay PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez.

“We recognize the outstanding performance of our women’s football team and their historic accomplishment,” ani Ramirez na idinagdag na may inihanda ang PSC na cash incentives para sa koponan.

Nagmula ang mga Pi­nay booters sa ma­ta­gumpay na kampanya sa nakalipas na AFC Wo­men’s Asian Cup sa India kamakailan.

Sa nasabing torneo ay naibulsa ng koponan ang tiket para sa kauna-una­hang FIFA World Cup appearance na nakatakda sa Hulyo ng 2023 sa Australia at New Zealand.

Nangako si Ramirez ng solidong suporta para sa preparasyon ng natio­nal squad na sasabak din sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.

Show comments