^

PM Sports

TNT tumukod sa Phoenix

Russell Cadayona - Pang-masa
TNT tumukod sa Phoenix

MANILA, Philippines — Humugot si Matthew Wright ng anim sa kanyang 27 points sa fourth quarter tampok ang fastbreak basket sa huling 1.3 segundo ang gumiya sa 93-92 paglusot ng Phoe­nix sa TNT Tropang Giga sa PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagdagdag si Wright ng 10 assists, 4 rebounds at 3 steals para sa ikalawang sunod na panalo ng Fuel Masters (4-2) para tumabla sa NLEX Road Warriors sa No. 4 slot.

“Today was a good win. It’s always good to have a grind out win,” wika ni Wright na kumamada ng 9 points sa third canto. “We still have a long way to go.”

Ito naman ang ikalawang dikit na kabiguan ng Tropang Giga (2-4).

Kinuha ng Phoenix ang 12-point lead, 35-23, mula sa dalawang free throws ni Wright sa 6:14 minuto ng second period hanggang kunin ng TNT ang 88-81 bentahe sa 4:50 minuto ng fourth quarter.

Matapos ang basket ni rookie Mikey Williams sa huling 2:01 mi­nuto para sa 92-89 kalamangan ng Tropang Giga ay umiskor ng lay­up si Jayson Perkins para idikit ang Fuel Masters sa 91-92 sa natitirang 27.1 segundo.

Isang tapik ni Wright sa pasalaksak na si TNT guard Jayson Castro ang nagresulta sa sarili ni­yang fastbreak layup para sa 93-92 abante ng Phoenix sa nalalabing 1.3 segundo.

Sinupalpal ni Perkins ang tangkang alley oop para kay Tropang Texters big man Troy Rosario mula sa inbound pass ni Gab Banal para selyuhan ang panalo ng Fuel Masters.

Sa ikalawang laro, ku­mamada si import Tony Bishop ng 30 points, 13 boards at 7 assists para banderahan ang Meralco sa 101-95 paggupo sa nagdedepensang Barangay Ginebra.

Sumosyo ang Bolts sa Magnolia Hotshots sa liderato sa kanilang ikaapat na sunod na arangkada at ipinatikim sa Gin Kings ang ikalawang dikit na pagkatalo.

MATTHEW WRIGHT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with