^

PM Sports

Ok na si coach Jong Uichico

Chris Co - Pang-masa
Ok na si coach Jong Uichico
Jong Uichico.

MANILA, Philippines — Nasa maayos na kalagayan na si veteran mentor Jong Uichico matapos atakihin sa puso noong Sabado ng gabi sa kanyang tahanan.

Sumailalim na ang 59-anyos na dating PBA coach sa angioplasty na isang heart procedure at kasalukuyan nang nagpapagaling sa Medical City.

Inatake si Uichico matapos ang kanyang workout sa kanilang bahay. Base sa mga naglabasang ulat, nagawa pa ni Uichico na makapagmaneho patu-ngong ospital kung saan agad itong nilapatan ng paunang lunas.

Nasa recovery period na si Uichico matapos ang heart procedure.

Bumuhos naman ang mensahe para sa Gilas Pilipinas coaching staff member mula sa mga coaches, players at officials sa mundo ng basketball.

Kabilang sa mga nagpaabot ng mensahe sina Barangay Ginebra coach Tim Cone at Meralco mentor Norman Black gayundin sina Pido Jarencio at Ariel Vanguardia at ilang opisyal ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Isa si Uichico sa mga matagumpay na coaches sa PBA.

Nagwagi ito ng siyam na titulo sa liga kasama ang walong korona sa San Miguel franchise.

Si Uichico ang ikaapat na all-time best coaches sa PBA.

Bahagi si Uichico ng coaching staff ng Gilas Pilipinas na naghahanda para sa FIBA World Cup Qualifiers na idaraos sa Peb-rero sa Pilipinas.

vuukle comment

JONG UICHICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with