MANILA, Philippines — Umapela si horse owner Sandy Javier Jr. sa pandaraya ng magkakuwadrang Boss Emong at Sky Shot sa kabayo nitong Super Swerte.
Tumakbo ang tatlong nabanggit na kabayo sa 2021 PHILRACOM-PCSO Presidential Gold Cup noong Linggo sa Metro Turf, Malvar, Batangas kung saan nanalo ang Sky Shot na sinakyan ni Jonathan Hernandez.
Sa ipinadalang Letter-Protest ni Javier kay Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) chairman Aurelio “Reli” De Leon, nakasaad doon na nagkutsabaan ang magkakamping Boss Emong (#6A) na nirendahan ni Fernando Raquel at Sky Shot (#6) para maantala ang pagremate ni Super Swerte, ginamitan umano ng maruming taktika.
Sinabi ni Javier sa kanyang protesta na hinadla-ngan ng mga hinete ng Boss Emong at Sky Shot ang pagremate ng Super Swerte na sinakyan ni former Philippine Sportswriters Association, Jockey-of-the-Year awardee Jessie Guce.
Napatawan ng 156 racing days na suspension si Raquel at ang kabayong Boss Emong na pag-aari ni Edward Diokno pero hindi kuntento si Javier at nais nitong mabigyan ng tamang parusa ang mga sangkot kasama ang na-ging resulta ng laban.
“Considering that the results have been tainted with doubt and scrutiny, the undersigned wishes that: 1. The race be invalidated; 2. The MMTCI stewards involved in the said race be questioned and/or removed condoning such illegal act; 3. The concerned horses and jockey who committed such violations be disqualified.” nakasaad sa protesta ni Javier.
“Attributing to the acts committed by the said jockey, the integrity and result of the game has been significantly affected. In order to restore the confidence of the horse breeders, owners, enthusiasts and the public, the undersigned ask your good commission, for the proper sanctions of all concerned individuals, who shows no great res-pect and sportsmanship.” kasama sa protestang ginawa ni Javier na pinadala sa PHILRACOM.
Maging sina star jockey Guce at premyadong trainer Ruben Tupaz ay nagpadala rin ng letter of protest sa PHILRACOM, sinabi ng hinete na binangga siya ni Raquel dahilan upang maantala ang pag-usad ni Super Swerte sa unahan.
Umaapoy naman sa galit ang mga kareristang nakasaksi sa laban, dahil nakita sa video kung paano sinalto ng Boss Emong at Sky Shot ang mahigpit nilang katunggaling Super Swerte.