Jem Ferrer kinuha ng Choco Mucho

Jem Ferrer.

MANILA, Philippines — Kinuha ng Choco Mucho ang  seasoned setter na si  Jem Ferrer para idagdag sa kanilang loaded na roster bilang paghahanda sa second pro season ng Premier Volleyball League (PVL) na bubuksan sa February ng susunod na taon.

Dadalhin ng 30-gulang na dating three-time UAAP Best Setter, huling lumaro para sa Perlas Spikers, ang kanyang malawak na karanasan at veteran presence sa batang team para maging mentor ng sumisikat na star setter na si Deanna Wong.

“Team Titans, let’s all welcome the newest addition to our family, Choco Mucho Flying Titans. We’re proud to have you on the team,” ayon sa post ng Flying Titans sa kanilang Twitter kasama ang larawan ni Ferrer.

Naiulat ding nakakuha na ang Choco Mucho ng champion middle blocker at outside hitter na iaanunsiyo ng management anumang araw para pumuno sa puwes-tong iniwan ni Maddie Madayag, napunit ang left ACL (anterior cruciate ligament) sa bronze medal match ng PVL noong August sa Bacarra, Ilocos Norte.

Show comments