Gomez hari sa One Pocket tourney

MANILA, Philippines — Naibulsa ni Roberto Gomez ang kampeonato sa 2021 International One Pocket Open na ginanap sa Norfolk, Virginia.

Hindi naging madali ang tinahak ni Gomez dahil dumaan ito sa butas ng karayom bago kunin ang 3-2 panalo kay American cue master Tony Chohan sa best-of-five championship showdown.

Naiuwi ni Gomez ang $4,500 o katumbas ng mahigit P220,000 premyo habang nagkasya lamang si Chohan sa $3,100 (P155,000) runner-up purse.

Ito ang ikatlong korona ni Gomez sa taong ito. Una na ang 2021 Diamond Open 10-Ball Championship at 2021 Midwest Open One Pocket.

Mainit si Chohan sa simula pa lang ng finals nang maitala nito ang matikas na 8-1 win sa Game 1 upang makuha ang 1-0 bentahe.

Bumawi si Gomez sa Game 2 nang ma-dry  si Chohan sa break nito na agad namang sinamantala ng Pinoy player para irehistro ang 8-4 at mitabla sa 1-1 ang serye.

Show comments