MANILA, Philippines — Kumpirmadong lalaro si Filipino-American Kalei Mau para sa F2 Logistics sa Champions League na target ganapin sa susunod na buwan.
Mismong si Mau na ang nagsabi na masisila-yan ito sa aksiyon suot ang jersey ng Cargo Movers.
“My next move is playing with F2 in the Champions League next month. I’m really excited,” paha-yag ni Mau sa programang Power and Play.
Subalit wala pang li-naw kung ire-renew ng Cargo Movers ang kontrata ng 6-foot-2 outside hitter o tuluyan na itong lilipat ng koponan. “Afterwards, we’ll see,” ani Mau.
Aminado si Mau na marami itong natatanggap na offers mula sa iba’t ibang teams sa Pilipinas maging sa mga teams sa international leagues.
Subalit pinag-aaralan pa nito kung saang koponan ito maglalaro. “I’ve been open to a lot of offers in other countries just because I love the experience and I love playing overseas. It’s been very uncertain in the Philippines. I’ve been kind of interested in hearing what other teams and countries have to offer,” ani Mau.
Huli itong naglaro para sa Changos de Naranjito sa isang commercial league sa Puerto Rico.