MANILA, Philippines — Gumawa ng kasaysayan si Fil-American Sofia Frank sa Philippine figure skating.
Nagtala si Frank ng 53.30 points sa 2021 Finlandia Trophy sa Espoo, Finland na pinakamataas na short program score ng isang Pinay sa isang International Skating Union (ISU) competition.
“Sofia Frank just registered the highest short program score a Filipina has performed in an ISU international competition,” pahayag ng Philippine Skating Union (PHSU) sa kanilang social media post.
Pumuwesto ang 16-an-yos na si Frank sa ika-17 sa kabuuang 26 figure skaters sa Finland meet.
Sinimulan ni Frank ang kanyang routine ng triple lutz at triple toe loop na sinundan niya ng triple loop at double axel.
Nakakolekta ang Fil-Am, nasa kanyang ikalawang major tournament simula nang maging miyembro ng national team, ng 29.21 points para sa technical element at 24.09 points sa program component.
Kasalukuyang pinamumunuan ni Russian Elizaveta Tuktamysheva ang torneo sa kanyang 81.53 points. Nakatakda pang lumahok si Frank sa wo-men’s free skate kagabi.
Nauna nang nabigo sina two-time Winter Olympian Michael Martinez at Christopher Caluza sa men’s division.