^

PM Sports

Martinez, Caluza nangulelat

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nangulelat sina two-time Winter Olympian Michael Martinez at Fil-American Christopher Caluza sa men’s short program ng 2021 Finlandia Trophy sa  Espoo, Finland.

Nagposte ang 24-anyos na si Martinez ng mababang 55.62 points sa kanyang short program para sa ika-23 puwesto sa kabuuang 26 skaters sa ikaapat na event ng 2021-22 Figure Skating Challenger Series.

Ito ang unang kompetisyon ni Martinez matapos noong 2018 Winter Olympics kung saan siya tumapos sa pang-28 sa Pyeongchang, Korea.

Nagkaroon ang Pinoy figure skater ng penalty makaraang bumagsak mula sa kanyang triple axel attempt sa routine niya.

Mas angat naman si Caluza sa No. 22 spot sa kanyang nakolektang 55.62 points.

Binanderahan nina Canadian Keegan Messing at American Jason Brown ang kompetisyon sa magkatulad nilang 92.39 points matapos ang short program.

Inaasahang babawi sina Martinez at Caluza, kumuha ng silver medal noong 2019 Southeast Asian Games na pinamahalaan ng Pilipinas, sa kanilang pagsalang sa Free Skate kagabi.

vuukle comment

MICHAEL MARTINEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with