San Miguel 3x3 player na si De Guzman ‘blacklisted’ sa GAB
MANILA, Philippines — “Blacklisted” si Daniel De Guzman sa Games and Amusements Board (GAB) matapos hindi dumalo sa imbitasyon upang ipaliwang ang kanyang panig sa nag-viral na alegasyon ng game-fixing noong nakaraang linggo.
Ayon kay GAB chairman Baham Mitra, pormal nilang iimbestigahan si De Guzman at posibleng bawiin ang kanyang professional license kung mapapatunayang dawit sa diumano’y iskandalo.
“De Guzman didn’t appear in the GAB virtual meet invitation today. For failure to appear, he is now blacklisted and admin proceedings shall commence,” ani Mitra sa isang pahayag.
“He shall not be allowed to use his license in the meantime and if proven guilty he may lose his professional basketball players license.”
Ipinatawag ng GAB si De Guzman via zoom meeting matapos kumalat sa internet ang isang post ng netizen na sinisisi siya sa pagkatalo malaking halaga dahil sa di-umano’y “wrong tip” sa resulta ng ng SMB-Ginebra game noong September. 10.
Nakuha ng SMB bilang 42nd overall pick si De Guzman noong 2019 subalit ‘di kasali ngayon sa 5-on-5 roster ng Beermen sa idinaraos ng 46th Season. Kasali siya sa 3x3 team ng Beermen sa inaugural PBA 3x3 na walang petsa sa ngayon subalit posibleng hindi na rin siya makalaro rito.
- Latest