MANILA, Philippines — Isa sa inaabangang stakes race ng mga karerista ay ang 2021 PHILRACOM 3rd Leg Triple Crown Stakes race na ilalarga sa Saddle & Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite sa Oktubre 3.
Nais ng mga karerista na mapanood muli ang kabayong Nuclear Bomb.
Pakay ng may-ari ng Nuclear Bomb na masilo ang 3rd Leg upang mawalis ang triple crown series.
Nakopo ng Nuclear Bomb ang first at second leg at sakaling manalo sa third leg ay magiging pang-13 kabayo ito na nakawalis ng triple crown series.
Unang nakagawa ng triple crown sweep ay ang legend na Fair N’ Square noong 1981 sumunod ang Skywalker noong 1983.
Ang Heneral Kalentong ang huling kabayo na nag-sweep ng triple crown noong 2020.
May distansya 2,000 meter ang hulung leg ng triple crown. Sa Setyembre 20 ang nomination at declaration of horses habang sa Oktubre 1 ang bolahan.