Derrick Rose 3-years pa sa Knicks
NEW YORK — Mananatili si star guard Derrick Rose sa kampo ng Knicks matapos pirmahan ang three-year, $43 million contract.
Humataw ang 32-anyos na si Rose ng mga ave-rages na 14.9 points at 4.2 assists sa 35 games sa nakaraang kampanya ng Knicks.
Nakuha ng Knicks ang veteran playmaker sa isang trade sa Detroit Pistons noong Pebrero 8.
“Derrick’s arrival last season played a major role in our team’s success and the culture we instilled,” sabi ni Knicks president Leon Rose kay Rose. “He continues to be a great player and teammate and is an extension of Coach (Tom) Thibodeau on the court. We look forward to him being a key piece of our team moving forward.”
Sa kanyang 13 season para sa limang NBA teams ay naglista si Rose, ang No. 1 overall pick ng Chicago Bulls noong 2008 NBA Draft at hinirang na NBA MVP noong 2010-11 season, ng mga averages na 18.5 points at 5.5 assists per game.
Samantala, paboritong manalo ang reigning NBA champion Milwaukee Bucks laban sa Brooklyn Nets sa pagsisimula ng NBA regular season sa Oktubre 19.
Bago ang laro ay itataas ng Bucks ang kanilang championship banner sa Fiserv Forum.
Muling babanderahan nina forward Giannis Antetokounmpo, Khris Middleton, Jrue Holiday at Brook Lopez ang Bucks katapat sina Kevin Durant, James Harden at Kyrie Irving ng Brooklyn.
- Latest