Marcus Smart 4-taon pang maglalaro sa Celtics

BOSTON — Pumayag si veteran guard Marcus Smart sa isang four-year, $77 million contract extension para patuloy na maglaro sa Celtics.

Hindi kasama sa nasabing extension -- magsisimula sa darating na 2022-23 season -- ang player option.

Isa si Smart sa mga naging mahalagang players ng Boston sa nakalipas na season dahil sa kanyang pagi-ging elite defender at dalawang beses na napabilang sa NBA All-Defensive first teams.

Sa Celtics lamang naglaro si Smart sa kanyang seven-year career matapos siyang piliin bilang sixth overall pick noong 2014 NBA Draft.

Nagtala ang 27-anyos na guard ng mga career highs na 13.1 points at 5.7 assists sa nakaraang season na pinagharian ng Milwaukee Bucks.

Samantala, na-finalize na ni restricted free-agent guard Josh Hart ang kanyang three-year, $38 million deal para manatili sa New Orleans Pelicans.

Naglaro si Hart ng dalawang seasons sa Los Angeles Lakers bago napunta sa Pelicans via trade na nagdala kay Anthony Davis sa Lakers.

Show comments