Lopez optimistiko sa Olympic qualifying
MANILA, Philippines — Kumpiyansa si national taekwondo jin Pauline Lopez na makakatsamba siya ng tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.
Ito ay dahil sa kanyang eksperyensa sa mga nilahukang 30th Southeast Asian Games noong 2019 at 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia noong 2018.
“I feel that I have already matured going into this qualifying tournament,” wika ni Lopez na sumipa ng gold at bronze medal sa women’s 57kg category noong 2019 Philippine SEA Games at 2018 Jakarta Asian Games, ayon sa pagkakasunod.
“I had opportunities to compete at a higher level and I believe that the experience it gave me would go a long way when I shoot for an Olympic slot,” dagdag pa ng 24-anyos na taekwondo jin.
Pipilitin ni Lopez na makakuha ng Olympic slot sa kanyang paglahok sa Asian Olympic qualifiers sa Mayo 14-16 sa Amman, Jordan.
Bigo si Lopez na makasama noong 2016 Rio de Janeiro Olympics nang matalo sa 2016 Asian Taekwondo Olympic Qualifying Tournament dito sa Manila.
Makakasama ni Lopez sa nasabing Olympic qualifying tournament sa Amman, Jordan sina 2016 Rio de Janeiro Olympian Kirstie Elaine Alora, Kurt Barbosa at Arven Alcantara na sasabak sa women’s 73kg class at men’s 58kg at 68kg divisions, ayon sa pagkakasunod.
- Latest