MANILA, Philippines — Magsisilbing special guest of honor si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Awards Night sa Sabado sa TV5 Media Center.
Si Ramirez ang magi-ging keynote speaker sa virtual affair na inihahandog ng San Miguel Corporation (SMC) katuwang ang PSC at Cignal TV.
Isa ang PSC sa mga government agencies na naapektuhan ng COVID-19 pandemic dahil nanggagaling ang kanilang pondo sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na pinagkukunan ng monthly allowances at training ng mga national athletes at coaches.
Dahil sa pandemya ay nahinto ang mga gaming activities na nagresulta sa pagkawala ng kita ng PAGCOR.
Inaasahang pupurihin ni Ramirez sa programa ang 32-man awardee na pararangalan ng pinakamatandang media organization na pinamumunuan ni Manila Bulletin sports editor Tito S. Talao.
Si pro lady golfer Yuka Saso ang babandera sa 2020 honor roll sa pagiging PSA Athlete of the Year awardee.
Ipapalabas ng One-Sports+ ang virtual Awards Night sa Linggo sa alas-7 ng gabi kasama ang 1Pacman Partylist, Chooks-to-Go at Rain or Shine bilang major backers.