Bubble training ng athletics naurong; boxers papasok na sa ‘Calam-bubble’
MANILA, Philippines — Iniurong sa susunod na Sabado ang training camp ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) para sa mga national athletes sa New Clark City sa Capas, Tarlac dahil hindi pa naaaprubahan ni Bases Conversion Development Authority (BCDA) president Vince Dizon, ang Deputy Chief Implementer ng National Action Plan Against COVID-19, ang kanilang kahilingan.
Nakatakda namang pumasok ngayon ang 16-boxers sa pangunguna ni Tokyo hopeful Nesthy Petecio sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para sa kanilang training bubble.
Bukas sana ang schedule ni PATAFA president Philip Ella Juico na pagpasok sa‘bubble’ training ng kanilang mga atleta sa New Clark City na naging venue ng mga athletics event ng 30th Southeast Asian Games noong 2019.
Susunod bukas sina Olympic-bound Irish Magno at Australian consultant Don Abnett habang sina Ian Clark Bautista, James Palicte, Jere Samuel dela Cruz, Riza Pasuit and coach Reynaldo Galido ay darating sa Lunes.
- Latest