Wright, Chan parehong injured

SMART CLARK GIGA CITY, Philippines — Umaasa sina Matthew Wright ng Phoenix Super LPG at Jeff Chan ng Ginebra na hindi malala ang kanilang mga injuries upang matulungan ang kani-kanilang koponan sa Game 2 ng semifinals kontra sa TNT Tropang Giga at Meralco, ayon sa pagkakasunod.

Nadale si Wright ng ankle sprain sa 92-95 kabiguan nila habang nagtamo ng hamstring injury si Jeff Chan sa 96-79 panalo sa Game 1.

“I’ll be better,” ani Wright na numero uno ngayon sa karera ng Bubble MVP.

*Intal, Caguioa sa bubble nag-birthday-- Nagdiwang sina JC Intal ng Fuel Masters at Mark Caguioa ng Gin Kings ng kani-kanilang kaa-rawan sa loob ng bubble kamakalawa (Nobyembre 18) at kahapon (Nobyembre 19), ayon sa pagkakasunod.

Minarkahan ni Intal ang ika-37 kaarawan habang ika-41 naman ang kay Caguioa na malayo sa pamilya pero para sa kanila, balewala ito at handa silang magtagal pa sa bubble para sa mas malaking misyon.

“Walang problema kahit dito ako mag-birthday, Christmas o New Year basta ‘yung goal namin ma-reach namin. Nandito na kami, gusto naming umabot hanggang dulo,” ani Intal.

Samantala, nagsagawa ng Christmas tree lighting event sa lobby ng Quest Plus Conference Center sa pangunguna ni PBA Commissioner Willie Marcial.

 

 

Show comments