Wade photobomber sa marriage proposal

MANILA, Philippines – Naging photobomber si dating NBA champion Dwayne Wade sa isang marriage proposal at ang kanyang reaksyon ang nagpangiti sa netizens.

Habang naglalakad sa Rosewood Miramar beach sa California, ay napasama siya sa litrato ng nagaganap na mariage propopsal ng magkasintahan na sina Ryan Basch at Katie Ryan.

Sa ilang pictures na shinare ng Bleacher Report sa kanilang Instagram account, kitang-kita ang cute at nakakatuwang reaksyon ng Miami Heat Legend.

“This was awesome to witness. Congrats again to both of them, ”  comment ni Wade.

Hindi rin makapaniwala ang soon-to-be groom na si Basch na witness si Wade sa kanyang proposal kaya inimbitahan niya sa kanilang kasal si Wade kasama ang asawang si Ga-brielle Union.

“Hahaha this is insane!!! @dwaynewade you know you and @gabunion are getting an invite to a wedding,” sabi ni Basch sa reposted story.

Show comments