Mental toughness

Unknown territory.

Ito ang parehong binanggit nina coaches Yeng Guiao at Tim Cone sa pagsabak ng 12 PBA teams sa bubble play simula Oct. 11 sa AUF Gymnasium sa Angeles, Pampanga.

Magkakakilala man, pero hindi nila alam ang kundisyon ng bawat isa matapos ang mahabang pamamahinga at kung paano maglalaro sa kakaibang sitwasyon at ibang kalagayan.

Dahil limitado ang panahon ng scrimmages at walang tuneup matches, wala ring scouting reports kaya’t magkakapaan ang lahat ng koponan at least sa mga unang laro ng bubble play.

“Medyo mahirap hulaan. I’m not really sure. There’s a lot of intangibles, lots of unknowns at this point,” ani Guiao ukol sa mga edges at advantages ng mga koponan. “It’s really difficult. It’s hard to say in this unique situation which nobody has experienced before,” dagdag pa ni Guiao.

Umaayon si Cone, tangan ang koponan na talagang papasok sa kakaibang-kakaibang sitwasyon na hindi nila kasama ang kanilang pamosong diehard Gi-nebra fans.

“We’re looking to have the edge that we can get. But Yeng is right, there are so many unknowns at this point,” ani Cone.

Dahil hindi nila alam ang physical condition ng bawat isa, tingin nila ay lamang ang grupong matibay ang mental toughness.

 

Show comments